Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Sylvia Sanchez

Maricel gustong ipagprodyus ni Sylvia — Pangarap kong makasama siya 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa excited at looking forward sa posibilidad na magsama sa isang proyekto sina Maricel Soriano at Sylvia Sanchez. Isa sa idol ni Sylvia si Maricel bukod pa sa good friends ang dalawa. 

Nasabi ni Sylvia na gustong-gusto talaga niyang i-produce at magkasama sila ni Maricel sa isang movie.

Aniya, “Gusto kong i-produce at makasama, honestly pangarap ko si Maricel Soriano. Roderick Paulate ‘yun ang gusto kong kasama. Pangarap ko rin si Ate Vi (Vilma Santos) ‘yun ang mga gusto ko.

“Of course, gusto ko rin si Sharon (Cuneta) pero ang pinakaano ngayon…nasa line up na namin mayroon na akong, binabalak. Nag-usap na kami ni Maricel Soriano,” pagtatapat ni Sylvia na talagang hindi imposibleng mangyari dahil mayroon na rin silang sariling produksiyon, ang Nathan Studios.

Inaasahan ng magaling na aktres na maisasakatuparan niya ang proyekto with Maricel this 2023 lalo’t sinabi ni Sylvia na tututukan niya ang pagpo-produce ng pelikula at concerts at hindi muna siya gagawa ng teleserye.

“Posibleng mangyari. Sana! Sana! Nakapag-usap na kami so magsasama kaming dalawa.

“Kasi noong maliit pa lang ako, si Maricel na ‘yung super excited ako na makasama siya,” paglalahad pa ni Sylvia. 

Sinabi pa ng nanay nina Cong. Arjo Atayde at Ria na wala pa siyang idea kung anong klaseng pelikula ang gagawin nila.

“Basta, gusto ko siyang makasama. Alam mo ‘yung iba naman sa aming dalawa, ‘yung hindi naman ‘yung laging nakikita sa amin. Iba at saka, nag-usap na rin kami ni Ice (Seguerra), gagawa kami ng movie together kaming dalawa about LGBTQIA+ so iyun ang isa sa mga naka-line up pa,” pagbabahagi pa ni Sylvia.

Dalawang Valentine shows ang gagawin ng Nathan Studios, ang Becoming Ice sa February 18 at ang TheUltimate Drag Experience: Divine Divas Live na ka-collab  ang Fire And Ice Media Production ng mag-asawang  Liza Diño at Ice Seguerra.  

Bukod dito, ang Nathan Studios din ang nasa likod ng bagong pelikula ni Arjo kasama sina Sid Lucero at Julia Montes, ang Topakkk.

“Siyempre, may difference kasi being an artista, nasa harapan ako ng camera. Ngayon, off cam ako and mas ginaganahan ako ngayon, kasi mas nakikita ko, ang dami-daming magagaling na aktor na puwede mong i-build up na puwede mong bigyan ng chance,” excited na sabi ni Sylvia.

Sinabi pa ni Sylvia na iba ang pakiramdam at fulfillment na nakatutulong siya sa kapwa niya artista sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito sa pagpo-prodyus nila ng pelikula.

Bagamat magiging abala sa pagpo-prodyus, tiniyak naman ni Sylvia na hindi niya iiwan o tatalikuran ang pag-arte. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …