Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Gerald Anderson

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Kylie Padilla na hindi niya inaasahang makagagawa ng pelikula kapareha si Gerald Anderson na isang Kapamilya. Magkasama ang dalawa sa Unravel, collaboration project ng Star Magic at MavX Productions na idinirehe ni RC delos Reyes na mapapanood sa mga sinehan.

Bumilib naman si Gerald sa pagiging propesyonal at pagiging matapang ng anak ni Robin Padilla.

Parehong first time magkatrabaho sina Gerald at Kylie pero hindi naman sila nahirapan. Actually nakatulong pa na hindi sila magkakilala dahil iyon ang ginampanan nila sa pelikula. Hindi sila magkakilala na nagkatagpo sa isang lugar sa Switzerland.

Puring-puri ni Gerald si Kylie dahil hindi iyon natakot o nagdalawang-isip na gawin ang mga buwis-buhay na stunts.

Hindi kasi kinakitaan ng takot si Kylie nang mag-sky diving at bungee jumping ang aktres sa Switzerland kaya namansobrang hinangaan iyon ni Gerald. 

“Nakabibilib talaga si Kylie dahil medyo may mga intense at nakatatakot na ginawa namin na nakita niyo sa trailer.

“Pero for the passion, for the love of the movie, for the love of Mavx, talagang ginawa niya. ‘Yung professionalism niya, ‘yung pasison niya para sa trabaho,” ani Gerald.

Sinabi naman ni Kylie na hindi niya ine-expect na makagagawa siya ng pelikula kasama ang isang Kapamilya.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi I’ve been a supporter, I’ve watched their films. It’s an honor to be working with someone I’ve admired. Hanggang ngayon talaga, parang ‘di ako makapaniwala. I learned a lot,” anang Kapuso aktres.

Nilinaw naman ni ABS-CBN executive Lauren Dyogi kung bakit napasama si Kylie sa project ng Star Magic at MavX.

 “MavX decided on it. Sila ‘yung may hawak niyong material. Kabisado nila kung saan nila dadalhin ‘yung proyekto. It was not really a difficult decision to make.”

At maging si direk Lauren ay nagpahayag din ng paghanga kay Kylie. Aniya, “Magaling na artista. She’ll be a good partner to Gerald. Just looking at them, maganda naman ‘yung chemistry. It’s no brainer to consider Kylie.”

Ang Unravel ay isa sa tatlong pelikulang inihanda ng Star Magic and Mavx Productions sa unang bahagi ng 2023, ang dalawa pa ay ang The Swing nina RK Bagatsing at Jane Oineza at ang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …