INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Nicolas D Torre III, ang pagkakadakip sa walong wanted persons sa bisa ng Warrants of Arrest, kabilang ang 23-anyos lalaki na may kasong carnapping sa Silago Municipal Police Station.
Ang Rank 13 most wanted person ng Silago Municipal Police Station, Leyte, na si Vincent Tomol Palana, 23, ay may pending Warrant of Arrest sa paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016 na inisyu ni Judge Jacinto B. Elle, ng Branch 26, Regional Trial Court (RTC), San Juan, Southern Leyte.
Ayon kay Torre III, nakipag-ugnayan umano ang Silago Municipal Police Station sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnapping Unit (DACU) na pinamumunuan ni PLt. Col. Reynante Parlade; Regional Intelligence Division-NCR at NDIT-Regional Intelligence Unit-NCR, na nagresulta sa pagkakadakip kay Palana sa Brgy Pinagtipunan, General Trias, Cavite.
Samantala, arestado rin ang pitong wanted na sina Michael Hermosura, alyas JR., 25 ayos, may kasong Statutory Rape; Bryan Cabubas Manplata, 27, (Robbery); Lenel Herradura Bayani, 25, (Illegal Drugs), at Joy Fulo Golloso, 46, sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Kabilang sa mga nadakip sina Adrian Andaya, alyas “Ian Endaya,” 44, may mga kasong paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code o Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents at R.A. 4136 o Land Transportation and Traffic Code; Ernesto Teroy, Jr., 47, sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at Ryan Jayson Bustamante, 29, sa kasong Robbery with Violence Against for Intimidation of Persons.
Aabisohan ang mga korte na naglabas ng Warrant of Arrest sa pagkakadakip ng mga nabanggit na wanted persons.
“The arrest of the suspects is the result of the community’s support to QCPD’s relentless crime prevention and solution despite the full alert status of PNP re Feast of Black Nazarene,” pahayag ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)