Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola baby

Jessy ‘di nagtagal sa ospital; sexy star 1 araw lang 

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI na bagong balita dahil ilang araw na rin sa kanilang social media account na nanganak na si Jessy Mendiola ng panganay nila ni Luis Manzanosi Isabelle Rose Tawile Manzano, na tinatawag nilang Peanuthindi pa man ipinanganganak.

Nagluwal si Jessy bago pa mag-New Year pero inilabas lang nila sa social  media noong isang araw. Siguro ayaw din naman nila ng magulo at marami pa ang pumunta o dumalaw sa ospital. Siguro gusto rin naman nilang ma-enjoy na kasama ang kanilang anak in private muna. Sabik din kasi sa baby at sa apo ang lola niyang star for all seasons.

Pero hindi iyan ang punto namin eh. Maliwanag din sa kuwento na hindi nagtagal si Jessy sa ospital. Matapos na manganak ay nagpalakas lang sandali at nakauwi na sila sa bahay kasama ang kanilang baby. Talaga namang ganoon na ngayon. Hindi na mahirap iyang panganganak. Doon nga sa isang government hospital ilang daang bata ang ipinanganganak sa araw-araw at akala mo OPD na lang eh kasi nakakalabas sila agad sa ospital matapos na manganak.

Diretsahan na, ano ang ipinupunto namin?

Naniniwala kami roon sa isang kaibigan namin, na nagkuwento sa aming nakita niya ang isang sexy star na nanganak sa isang ospital at matapos na magluw ay agad din namang pumirma ng waiver para hindi siya maging pananagutan ng ospital kung ano man ang mangyari, at nakauwi siya matapos lamang ang tatlong oras matapos na manganak, dala na ang anak niya.

Ginawa ngang parang OPD. Noong araw nga hilot lang eh, at sa bahay lang nanganganak ang babae. Buti pa nga iyan dinala sa isang private room ng ospital at doon nanganak. Iyong tatay naman ng bata, naiwan na lang sa sasakyan at parang naghintay na lang ng pasyenteng “nagpa-check up lamang.”

Aba eh mas matagal pa ang inilalagi ko sa ospital doon sa aking monthly check up kaysa naging panganganak ng sexy star eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …