HATAWAN
ni Ed de Leon
KUWENTO ng isang bagets. Madalas daw siyang makasama sa mga inuman sa mga watering hole noong araw ng mga ka-tropa niya. Sa isang watering hole sa Taguig, minsan ay naka-jamming nila ang isang male star na sikat noon. Nagkainuman. Nalasing silang lahat.
Noong hilo na raw siya, nagmagandang loob ang male star na ihatid na siya pauwi.
Noong magising siya kinabukasan, at saka lang niya nalaman na hindi pala siya nakauwi. Ang masakit pa, masakit ang kanyang “likuran.”
“Ginalaw siya ng male star sa likod,” na inamin naman niyon at sinabing pasensiya na siya dahil nalasing din iyon.
Mga dalawang linggo rin daw niyang ininda ang sakit dahil sa ginalaw nga siya sa likod. Wala naman daw siyang naramdaman noong nangyayari iyon dahil nga sa kalasingan. Pero iyon nga, nabanatan siya ng sikat na male star.