Sunday , December 22 2024
NAIA plane flight cancelled

Imbestigasyon sa aberya ng NAIA sa komunikasyon ng air trafik iginiit ng solon

MARIING iginigiit ni Rep. Florida Robes ng San Jose Del Monte City ang imbestigasyon sa naganap na aberya sa komunikasyon sa air trafik ng Manila Internal Airport Authority (MIAA) na nagdulot ng peligro sa 282 flights at abala sa 65,000 pasahero nitong unang araw ng 2023, 1 Enero.

Ayon kay Robes, chairman ng House Committee on Good Government, nararapat maimbestigahan ang insidenteng tumigil ang Communications, Navigation and Surveillance system ng Air Traffic Management ng MIAA.

Sinabi ng mambabatas, isa siya sa mga apektado ng nasabing  aberya.

Ani Robes, bago pa ang CNS/ATM System na itinayo noong 2018 sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pamamagitan ng utang na nagkakahalaga ng ¥22,049 milyon at P9.8 bilyong katapat ng pondo mula sa gobyerno ng Filipinas.

“She (Robes) observed that there was also lack of coordination between CAAP and/or MIAA with the airlines – as well as lack of concern for air passengers on a tight budget and wanted/needed to go home, or those who needed to return to work outside the country. She reminds that we are supposed to recover economically,” ayon sa press statement ng tanggapan ni Robes.

“The new CNS/ATM works by sending satellite signals to aircraft transponders and by using transponder transmissions to determine the precise location of aircrafts in our airspace and its shutdown posed serious threats to aviation safety, economic losses to tourism and the aviation industry, and leaving thousands of inbound and outbound flight passengers stranded,” ani Robes.

Tiniyak ni Robes titingnan ng kanyang komite ang isyu ng “maintenance of the new CNS/ATM system, as well as presence or absence of a back-up or contingency plan.”

Sinabi ng babaeng kongresista ng San Jose del Monte, masama ang epekto ng inisdente sa “national security, tourism and aviation industry. It has an impact on investor confidence.

“With the funding implementation and proper maintenance of the new CNS/ATM system, regular audit and assessment of its capability, the shutdown could have been prevented avoiding substantial risks to national security, inconvenience to passengers and substantial loss to the tourism and aviation industry,” pahayag ni Robes. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …