Monday , May 12 2025
gun ban

Tinamaan ng balang ligaw
BABAE SUGATAN

SUGATAN ang isang babae matapos tamaan ng ligaw na bala nitong bisperas ng Bagong Taon, Sabado, 31 Disyembre, sa lungsod ng Iloilo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kate Cambronero, 20 anyos, residente sa Brgy. Rizal, La Paz District, sa naturang lungsod.

Agad nadala si Cambronero sa pagamutan matapos tamaan ng ligaw na bala ang kanyang kaliwang binti habang nasa higaan pasado 9:00 pm.

Tinutukoy pa ng La Paz Police Station ng Iloilo CPO ang uri ng baril na ginamit sa pagpapaputok at kung kanino ito nakapangalan.

Narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala mula sa dalawang kalapit na bahay.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …