Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shot from a handgun with fire and smoke

Nagpaputok ng baril noong Bagong Taon
PULIS SA NUEVA VIZCAYA TIMBOG

ARESTADO ang isang pulis matapos magpaputok ng baril sa Brgy. Tuao North, bayan ng Bagabag, lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Linggo, 1 Enero, unang araw ng bagong taong 2023.

Kinilala ng Bagabag MPS ang suspek na si Pat. Loreto Abrio, 30 anyos, kasapi ng PNP-SAF na nakatalaga sa Lamut, Ifugao, at residente sa Mercedes, Eastern Samar.

Dinakip si Abrio matapos iulat ng isang concerned citizen sa pulisya na isang lalaki ang nagpaputok ng hindi matukoy na kalibre ng baril noong Bagong Taon.

Nasakote ng kapwa mga alagad ng batas ang nakainom na si Abrio sa labas ng isang videoke bar.

Nakompiska sa kanya ang kanyang service firearm, basyo ng bala ng kalibre 9mm, at magasin na mayroong 13 live 9mm caliber ammunition sa loob ng kanyang sling bag.

Nakatakdang isailalim sa paraffin test at ballistics test ang suspek na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PNP Bagabag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …