Sunday , December 22 2024
Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Kung gusto kumita at makahabol
MOVIE NI JAKE KAILANGAN NG BLOCK SCREENING

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGBIGAY si Jake Cuenca nang mahusay na performance sa kanyang pelikula, iyan ang feedback na narinig namin sa nakapanood na. Pero ang nakalulungkot may nagsasabing ang pelikula ay mahina sa takilya. Pero ano ba naman ang problema? Nang gawin ni director Joel Lamangan ang pelikula, hindi naman kasi box office ang kanyang iniisip, dahil kung ganoon, dapat gumawa siya ng pelikula na hindi ganyan ka-seryoso ang subject. Kung box office, dapat gumawa siya ng love story, o kaya comedy, kung hindi man kung anong pelikula lamang.

Gumawa kasi siya ng isang seryosong pelikula, ibig sabihin hindi takilya ang kanyang target. Maaaring ang iniisip niya ay manalo ng awards ang kanyang mga artista at pelikula, o kaya ay mas maisulong ang kanyang advocacies.

Kung ganyan ang layunin ng director at ng mga producer ng pelikula, eh ano ba kung mahina man sa takilya, basta kuntento sila sa nagawa nilang pelikula. Ganoon naman talaga sa festival, iyong mahuhusay na pelikula naiiwan iyan sa takilya. Iyong mga slapstick, iyan ang kumikita kasi nga iyan ang gusto ng masa. Ano ba ang hinahanap ng masa, hindi ba iyong matawa, o matakot, o makakita ng mga pogi at magagandang artista. Pagkatapos niyon at saka lang nila hinahanap ang kalidad at katuturan ng pelikula.

Kaya iyang pelikula, hindi natin dapat sukatin sa kung magkano lang ang kinita, bagama’t iyon ang mas pinahahalagahan dahil negosyo iyan. Pero tingnan din natin ang tunay na layunin nang gawin ang pelikula.

Sa kaso ni Jake, sinasabi nilang napakahusay ng kanyang performance. Tama na iyon, napatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang isang actor. Siguro kung gagawin din nila iyong magpa-block screening para tiyak may manood ng kanilang pelikula, gaya ng ginagawa ng iba na naghahakot ng tao para sa block screening nila, makalalaban din iyan sa kita. Isa pa, festival iyan. Dapat showcase iyan ng pinakamagandang magagawa, exhibition iyan. Hindi iyan isang trade market. Hindi talipapa.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …