SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BIG winner ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang Deleter ng Viva Films sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap ang awards night sa New Frontier Theater noong Martes, Disyembre 27, 2022.
Itinanghal na Best Picture ang Deleter at nagwaging Best Actress si Nadine, mula rin sa pelikulang ito.
Nagwagi rin ang Deleter bilang Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, Best Sound, at Best Director para kay Mikhail Red.
Tinalo ni Nadine sa Best Actress category sina Ivana Alawi (Partners In Crime), Toni Gonzaga (My Teacher), at Heaven Peralejo (Nanahimik ang Gabi).
Nakatunggali naman ni Mikhail sa kategoryang Best Director sina Shugo Praico (Nanahimik Ang Gabi), Lester Dimaranan (Mamasapano: Now It Can Be Told), Joel Lamangan (My Father, Myself), at Paul Soriano (My Teacher).
Si Ian Veneracion naman ang itinanghal na Best Actor para sa kanyang pagganap sa Nanahimik Ang Gabi. Tinalo niya sa ketagoryang ito sina Jake Cuenca (My Father, Myself) at Noel Trinidad (Family Matters).
Sina Dimples Romana ang nagwaging Best Supporting Actress para sa pelikulang May Father, Myself samantalang si Mon Confiado naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang Nanahimik ang Gabi.
Tinalo ni Dimples ang co-star niya sa My Father, Myself na si Tiffany Grey at si Louise delos Reyes ng Deleter. Habang si Mon naman nakatunggali sina Nonie Buencamino ng Family Matters at Sean de Guzman ng My Father, Myself.
Ang Mamasapano: Now It Can Be Told ang nagwaging Best Screenplay para sa script ni Eric Ramos. Tinalo nito ang Nanahimik Ang Gabi, My Teacher, at My Father, Myself.
Pitong awards ang naiuwi ng Deleter samantalang lima naman ang Nanahimik ang Gabi, apat ang Mamasapano: Now It Can Be Told, tatlo ang My Father, Myself, at tig-isa ang Family Matters at My Teacher. Bokya naman kapwa ang Partners In Crime at ang Labyu With An Accent.
Ang Family Matters ang nakakuha ng Gatpuno Antonio J. Villegas Award samantalang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence ay nakuha naman ng Mamasapano: Now It Can Be Told.
Star of the Night sina Ian at Nadine. Nagsilbing host ng gabing iyon sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda, at BB Gandanghari.
Pinagkalooban naman ng Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award si Vilma Santos.
Narito ang kompletong listahan ng mga nanalo sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal:
Best Picture: Deleter
2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told
3rd Best Picture: Nanahimik Ang Gabi
Best Actress: Nadine Lustre (Deleter)
Best Actor: Ian Veneracion (Nanahimik Ang Gabi)
Best Director: Mikhail Red (Deleter)
Best Supporting Actor: Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi)
Best Supporting Actress: Dimples Romana (My Father, Myself)
Best Screenplay: Eric Ramos (Mamasapano: Now It Can Be Told)
Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence: Mamasapano: Now It Can Be Told
Gatpuno Antonio J. Villegas Award: Family Matters
Gender Sensitivity Award: My Teacher
Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel (My Father, Myself)
Best Cinematogaphy: Deleter
Best Editing: Deleter
Best Production Design: Nanahimik Ang Gabi
Best Visual Effects: Deleter
Best Original Theme Song: “Aking Mahal” sung and composed by Atty. Ferdinand Topacio (Mamasapano: Now It Can Be Told)
Best Musical Score: Nanahimik Ang Gabi
Best Sound: Deleter
Best Float: My Father, Myself
SPECIAL AWARDS:
Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award: Vilma Santos
Stars of the Night: Ian Veneracion and Nadine Lustre