Sunday , November 17 2024
Pete Bravo Cecille Bravo

Mag-asawang Pete at Cecille inspirasyon sa mga gustong umasenso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LIKAS ang pagiging matulungin ng mag-asawang Pete at Cecille Bravo ng Intele Builders Development and Corporation na siyang cover ng December issue ng Aspire Magazine Philippinesna may temang Paskong  Pinoy.

Matagal na naming naririnig ang pagkakawanggawa ng mag-asawang Pete at Cecille sa aming kolumnistang si John Fontanilla na kaibigan ng mag-asawa. Kaya hindi rin kataka-taka na sila ang maging cover ng Aspire Magazine Philippines na si Ayen Cas ang CEO.

Ani Ayen sa isinagawang launching ng December issue ng Aspire na isinagawa sa Windmills Rainforests sa Scout Borromeo, Quezon City noong December 21, “If you want the story to be told, be the story teller,” aniya kung bakit nabuo ang Aspire Magazine.

Paglalahad pa ni Ayen, “Noong binubuo po namin ito ibinigay namin ang buong puso namin at alam namin ‘yung pinagsama-sama naming tao roon sa magazine ay iyong mga karapat-dapat na tingalain ng mga tao. If you are the inspiring people, we are aspiring to be like you and thank you very much for shining a lot in our lives and thank you very much sa pagpayag na maging cover namin sa aming magazine, maraming salamat po Mr. Pete and Ma’am Cecile Bravo. 

“Sa ibang aspiring personality, I hope kapag naanyayahan namin uli kayo sa March-April para sa ‘Aspiring Magazine Global’ sana muli naming matanggap ang pakikipag-cooperate ninyo at maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”

Idinagdag pa ni Ayen na, “Thank you very much Ma’am Cecille, Sir Pete, ako po bilang nangunguna  sa magazine na ito hindi po namin ito matatapos kung hindi dahil  sa aking mga kasamahan dito sa magazine, maraming salamat.”

Naibahagi rin ni Ayen kung paano nagsimula ang kanilang Aspire Magazine. “Nagsimula ito noong pandemic, ang we started as an agency who helps the cancer kids of Child Haus (Ang Child Haus ay pansamantalang tahanan ng mga batang may cancer na itinayo ni Mother Ricky Reyes).

“So years ago nabuo ko ito (Aspire) after ko mag-Nurse. I’m a cancer survivor and after that, bumalik ako ng ospital-ER-OR, sabi ko po hindi ko na gusto, kaya I resigned, because I know habang may mga bata akong tutulungang maglakad, hindi lang basta maglakad, tutulungan ko sila maglakad sa tamang daan sa buhay. Kasi if they will learn how to do that, tatanggapin sila ng tao. So again, maraming-maraming salamat po,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Ayen.

Sa kabilang banda, nakahuntahan namin si Ms. Cecille ukol sa pagiging December issue cover nila ng  Aspire Magazine Philippines. Tama naman ang tinuran ni Ayen na talagang inspiring ang istorya nila na tiyak marami ang matutulungan kapag nabasa kung paano sila nagtagumpay sa kanilang negosyo.

Before po, noong natanong kami kung puwede kaming maging cover, nabigla kami,” paunang kuwento si Madam Cecille. “Kasi hindi naman po ito isang magazine lang na simple. Ito po talagang pinaghihirapan ng marami, at may mga sinasabi at kilala po sa iba’t ibang field ‘yung mga kasama natin dito. Tapos kami pa po ang napili. 

“So malaking bagay po ito sa amin. Nakatataba po ng puso. Tapos sabi po sa amin, thru us, may mga nai-inspire po kami. Hopefully, we will continue to do so,” ani Madam Cecille.

Pagbabahagi ni Madam Cecile, nag-umpisa ang negosyo nila sa isang maliit din lang. 

‘Yung mister ko, nagsimula siya sa isang maliit na kompanya lang, hanggang unti-unti, napalago niya. Nag-start siya, na dalawa lang ang tauhan niya, tapos naging lima, hanggang dumami na. May mga kaibigan din kasi siya na tumutulong sa kanya, kaya gumanda ang takbo ng business niya.

“Pero eversince, talagang may vision na siya. Kaya ‘yun ang isa sa mga in-admire ko sa kanya. 

“Sabi niya, ‘dahil gusto kong may marating sa buhay, kinakailangan talaga na dapat maging masipag ako. Ako naman, bilang misis niya, gusto ko talagang matulungan siya, nandito ako para suportahan siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Priority ko po ‘yung dreams niya. Pero dahil ‘yung pangarap niya at pangarap ko ay magkalapit, kaya ang gandang magtulungan kami.

“Sabi ko nga minsan, eh, we are meant to be,”  natatawang pagbabahagi pa ni Madam Cecille.

Naibahagi pa ni Madam Cecille na bago pa man naging matagumpay ang kanilang negosyo ay dumaan din sila sa parerenta ng bahay. Na kalaunan dahil na rin sa pagpupursige, sipag at tiyaga, unti-unting gumanda ang kanilang buhay. Nagkaroon na sila ng sariling bahay at lupa at ngayo’y marami nang ari-arian.

Nag-Pasko ang pamilya Bravo sa kanilang tahanan sa matahimik na lugar sa Rizal at sa Bagong Taon sa farm pa rin nila saRizal sila magse-celebrate.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …