Monday , December 23 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

Horror, family, comedy films nanguna sa unang araw ng MMFF2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa curious kung ano-ano na bang pelikula ang nangunguna o pinasok o pinanood ng mga netizen sa unang araw ng pagpapalabas ng mga entry na kasali sa  Metro Manila Film Festival 2022. 

Walong pelikula ang kasalukuyang napapanood sa mga sinehan, ito ay ang My Father, Myself nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, at Dimples RomanaNanahimik ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon ConfiadoPartners In Crimenina Vice Ganda at Ivana AlawiLabyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. MariaDeleter ni Nadine LustreFamily Matters nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco; Mamasapano: Now It Can Be Told nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao; at My Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga.

Ayon sa post ng  MMFF official Facebook page, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.”

Kasunod ang pagpapasalamat sa mga tumangkilik sa walong pelikulang kasama sa MMFF 2022 at pag-anyaya na tangkilikin pa at panoorin ang mga pelikulang kalahok sa festival. 

“Bukas at sa mga susunod pang mga araw ay lalo pa nating pag alabin ang damdaming Pilipino na mahalin at tangkilikin ang pelikulang atin. Kaya manood na at makisaya! Panoorin ang walo!”

May mga balitang may naso-sold out na screening, isang magandang indikasyon na unti-unti na ngang bumabalik ang mga tao sa panonood ng sine. Bagamat sinasabing hindi pa mapapantayan tiyak ng kikitain ngayon sa mga nagdaang taon ng MMFF, nakatutuwa na rin na marami-rami ang nanonood ng mga pelikulang Filipino.

Ayon sa mga nakalap naming unofficial na resulta sa takilya, ang Top 4 ay ang mga pelikulang Partners In CrimeLabyu With An AccentDeleter, at Family Matters. Malakas din daw ang My Father, Myself sa A and B crowd. Hindi naipalabas sa mga SM cinema ang pelikulang ito nina Jake at Sean dahil sa R18 ratings.

Ngayon Dec. 126 ang ikalawang araw ng pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF at nakatitiyak kami na magbabago ang ranking ng mga pelikulang unang sinasabing nasa Top 4. Ang hangad lang namin sana’y mas marami pa ang tumangkilik at manood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2022.

Kaya mga ka-netizen, go na kayo sa mga sinehan at manood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF dahil alinman sa walo ang panoorin ninyo tiyak na masisiyahan kayo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …