ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY kaabang-abang na namang sorpresa si Senadora Imee Marcos, talagang it’s the most wonderful time of the year at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog niya na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Disyembre 23.
Kaya naman libo-libong Imeenatics at netizens ang mga naghuhulaan kung tungkol saan ang content.
Ayon naman sa insiders, very heartwarming at medyo kontrobersiyal din ang vlog na nasesentro naman ang signature wit at humor ni Sen. Imee at tiyak na magbibigay ito ng kaligayahan at feel-good vibes para sa lahat.
Sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24, ipagdiwang ang holidays kasama ang Senadora sa kanyang gift-giving rounds sa Quezon, Batangas, at Maynila na nakipag-bonding sa madla – bata at matanda, habang namahagi ng mga regalo at goodies.
Sumama kay Imee ngayong holiday season at humanda sa kanyang Christmas vlog na siguradong viral na naman. Please don’t forget na mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.