Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Venus Emperado Apas

Venus Emperado Apas tuloy ang pagtulong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY-TULOY pa rin ang pagtulong ni Venus Emperado Apas kahit hindi pinalad na manalo ang kanyang IpaTupad Partylist noong nakaraang eleksiyon dahil na rin sa kanyang advocacy na makatulong sa marami nating kababayang kapos at salat sa kanilang pamumuhay.

Kamakailan, pinarangalan si Ms. Venus bilang Modern-Day Renaissance Woman in Business Management and Leadership ng Netizen’s Best Choice Awards na ginanap sa Okada Grand Ballroom. Kasama niyang pinarangalan ang kanyang anak na si Roven Zeil Apas at kapatid na si Gielito Emperado na namamahala ng kanilang family-owned business na IC Construction, Inc.

Isang successful entrepreneur si Venus at siya rin ay isang government policy and program consultant. Mula sa kanyang successful stint as a businesswoman sa Singapore ay bumalik siya ng Pilipinas para magtayo rito ng negosyo at gamitin ang kanyang natapos sa Nanyang Technological University sa Singapore.

Sa tagal ng kanyang pagiging consultant sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay namulat ang mga mata ni Ms. Venus sa samo’t-saring problema na kinahaharap ng ating bansa. Nais niyang maibahagi ang kanyang tagumpay sa ating mga kababayan lalo na ang mga OFWs na malapit sa kanyang puso.

Marami pa tayong aasahang maganda mula kay Ms. Venus at sa kanyang IpaTupad Partylist, may eleksiyon man o wala, mananatili siyang tapat sa layuning makatulong sa mga nangangailangan ng walang bahid na kapalit na hinihingi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …