TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal nang dalawang oras sa isang tindahan ng muwebeles at dalawang bahay sa bayan ng Lagawe, sa lalawigan ng Ifugao nitong Lunes ng gabi, 19 Disyembre.
Nabatid na sumiklab ang apoy sa tindahan ng muwebles sa Brgy. Cudog dakong 11:00 pm na kalaunan ay kumalat sa mga katabing bahay.
Walang naiulat na nasaktan sa sunog na tuluyang naapula dakong 1:00 am kinabukasan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.