Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
RosMar Rosmar Tan Rosemarie Tan Rosmar Skin Essentials

Rosmar naging milyonarya sa loob lamang ng 10 buwan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO ang CEO ng Rosmar Skin Essentials na si Rosmar Tan na malaki ang naitulong ng Tiktok at iba pang social media platform sa paglago ng kanyang negosyo. Biruin mo nga naman Pebrero lang ng taong ito, 2022, niya sinimulan ang pagpapalaganap ng noo’y sabon pa lamang na produkto niya ngayo’y malagong-malago na ito at nadagdagan pa ng ibang produkto na nakadaragdag sa lalong ikagaganda ng mga babae o ikagugwapo ng mga lalaking gumagamit ng kanyang produkto.

Sa bawat pagla-live selling nga niya sa Tiktok aniya ay milyon na agad ang mga bumibili sa kanyang mga distributor.

Ako lang taga-promote sa Tiktok hindi ako ‘yung tumatanggap ng orders nila. Bale tinutulungan ko ang mga distributor ko na mapalakas ang sales nila. Siyempre kumikita na ako sa pagkuha nila sa akin, so hayaan natin na sila naman ang kumita sa mga bumibili,” kuwento ni Rosmar nang makahuntahan namin ito.

Nakatutuwa rin ang istorya niya at talaga namang inspiring ang kuwento ng buhay niya noong nag-umpisa lang bilang extra sa mga TV show pero ngayon ay sikat nang TikToker at matagumpay na negosyante. 

Kaya pala namumukhaan namin siya dahil

ani Rosmar, nag-extra siya noon sa Kapuso Mo, Jessica Soho at naging contestant din sa Wowowin ni Willie Revillame pero mukhang mas napagtagumpayan niya ang  pagiging negosyante dahil nang simulan niya ang kanyang skin care business, doon siya pumatok at nag-boom.

Nag-umpisa si Rosmar sa maliit na puhunan pero ngayon, may P100 million na sa kanyang bank account. Dagdag pa ang lima ng properties — 2 sa Laguna, 2 sa Tagaytay,at isa sa Batangas.

Self-made rin si Rosmar na kahit wala siyang celebrity endorser eh patok na patok ang kanyang skin care products.

Pero kung sakali na kukuha siya ng celebrity endorser, gusto niya si Dingdong Dantes na childhood crush niya.

At kung gusto n’yo pang malaman ang maraming kuwento sa buhay ni Rosmar, manood ng Magpakailanman niMs. Mel Tiangco dahil isa ang buhay niya sa itatampok dito.

Nang tanungin namin ang sikreto ng pagyaman niya, ito ang isinagot niya, “Sipag, tiyaga, at tiwala na maaabot mo ang lahat ng bagay sa buhay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …