HATAWAN
ni Ed de Leon
PINAG-UUSAPAN nila ang isang picture ni Carlos Agassi, na sinasabing wala nga siyang suot ano mang saplot sa katawan, at
ang kanyang private parts ay tinatakpan lamang niya ng isang birthday cake. Ipinost niya iyon sa sarili niyang social media account kasabay ng birthday niya.
Walang malisya kay Carlos ang bagay na iyon. Lahat iyon for fun. After all ang inaalala nga naman ay kapanganakan niya, sino ba naman ang ipinanganak na may damit. Isa pa sanay naman si Carlos na magpa-sexy. Hindi ba noong endorser pa siya ng isang underwear brand nagkalat ang kanyang pictures na walang suot kundi underwear lang?
Isa pa, kaya namang magmalaki ni Carlos dahil maganda naman ang kanyang katawan. Aba eh halos nabubuhay na yata siya sa gym.
Ewan pero wala kaming nakikitang masama sa picture na iyon ni Carlos. Hindi naman siya nagbuyangyang ng kanyang private parts.