Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Ian Veneracion

Heaven tiyak ‘panggigigilan’ ng mga kalalakihan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGDALAWANG-ISIP pala si Heaven Peralejo bago tinanggap ang Metro Manila Film Festival 2022 entry ng Rein Entertainment, ang Nanahimik Ang Gabi (A Silent Night). May mga maseselan kasing eksena rito tulad ng lovescene at talagang magpapaka-daring siya.

Ani Heaven sa isinagawang media conference ng suspense-thriller movie na isinulat at idinirehe ni Shugo Praico muntik niyang tanggihan ang pelikula.

 “Akala ko noog una ide-decline ko na talaga kasi ilang beses din nila akong niligawan.

“Medyo matagal din talaga. Pero  nakapag-compromise nga kami sa kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay. Ayaw din naman nila akong pilitin. Nag-compromise po kami in the middle,” ani Heaven.

Tiniyak pa ng Rein Entertainment na hindi niya pagsisisihan ang pagtanggap sa pelikula kaya napapayag na rin siya. 

“Sabi nila, ‘Kaming Rein Entertainment’ aalagaan ka namin. Kung paano mo nabi-visualize itong film na ito, ganoon din namin nabi-visualize.’

“They made me feel comfortable. Nakatutuwa na I can portray that kind of role pala. They pushed me to my limits. It’s a different Heaven that you’ll see,” giit pa ng batang aktres.

Nakatulong din kay Heaven ang paliwanag ng kanyang ina at pagpayag na tanggapin ang offer lalo’t ang makakasama niya ay ang mga iginagalang na aktor, sina Ian Veneracion at Mon Confiado.

“At some point, hindi pa rin naman matatanggal na may sexual scenes na gagawin for the film to arrive eoon sa story na ‘yun.

“Sabi rin naman nila, it’s part of the film. Kasi siyempre noonf una sobrang baby ko po. Talagang hindi ako papayag sa mga ganoon (daring at sexy scenes).

“Pero noong nilawakan ko ‘yung pag-iisip ko na ‘oo nga naman it’s more than ‘yung mga ganoong scene.’ It’s about the message. At saka hindi ko rin naman ito tatanggapin kung hindi pumayag ang nanay ko,” sambit pa ni Heaven.

“Maraming limitations. Sa pakita, the way it’s gonna be shot. Ang nangyari, before sumabak sa film, lahat ng per scene, lahat ‘yun may shot na.

“So nakita ko na lahat kung anong klaseng shot ‘yung gagawin. Talagang parang anime. Ganoon ‘yung respeto nila sa akin,” ani Heaven.

Samantala, hindi naman itinago ni Heaven na nahirapan siya sa eksenang pisikalan nila ni Mon. Aniya, nagkasugat at pasa siya after ng shooting.

Ang Nananahimik Ang Gabi (A Silent Night) ay tungkol sa lihim ng magkasintahang patagong nagkikita sa isang liblib na mansyon. Ang isang gabi na dapat ay puno ng mainit at bawal na pag-ibig ay mabilis na mababalot ng karahasan at katatakutan nang hindi inaasahang pasukin sila ng isang misteryosong lalaki.

Isa itong cautionary tale na tungkol sa pagharap sa consequences ng mga desisyon natin sa buhay. Excited kami na mapanood ito ng lahat dahil thought-provoking at relevant ito lalo na sa mga kabataan ngayon,” ani Shugo. “Kakaiba rin ang tambalan nina Ian at Heven sa mga character na ngayon lang natin makikitang ginampanan nila. Sinamahan pa ni Mon na muli na namang magpapatunay dito kung gaano siya kagaling sa kanyang craft,”dagdag pa ng direktor.

Ito ang unang pagkakataon na kabilang ang Rein Entertainment sa hanay ng mga pelikulang kabilang sa MMFF. Noong Hulyo ay inanunsiyong isa ito sa unang apat na pelikulang napili sa festival.

“Ngayong Pasko, sama-sama tayong matawa, maiyak, matakot, at mabigyang ispirasyon sa isa’t ibang pelikula na dala ng MMFF. Atin pong ibalik ang tradisyon sa pagtangkilik sa pelikulang Filipino sa mga sinehan,” pahayag ni Lino Cayetano, isa sa mga producer ng pelikula.

Mapapanood ang Nanahimik Ang Gabi (A Silent Night) sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …