Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matet de Leon Nora Aunor

Hidwaang Nora-Matet lumala dahil sa mga nakapaligid

HATAWAN
ni Ed de Leon

TIYAK iyon, wala man siyang sinasabi sa ngayon, masakit din para kay Nora Aunor iyong sinabi ni Matet na ayaw na niyang makausap ang nanay-nanayan niya. Hindi mo rin naman masisisi si Matet, dahil maraming mga marites na nakialam sa problema nila, na kung iisipin mo sa pamilya lang nila. Pero nakialam nga ang mga basher, na kinilala ni Matet na mga Noranian, na sinirasiraan siya at halos murahin siya sa social media.

Ano ang hinahanap ni Matet? Siguro nga ang naisip niya, kung itinuturing siyang tunay na anak, bakit hindi naawat ng nanay-nanayan niya ang fans na nambabastos sa kanya, at sa halip ay nanatiling walang kibo, na para bang sinasabi na ok lang sa kanya ang ginagawa ng kanyang fans?

Nauna nga si Matet na naglabas ng sama ng loob. Pero hindi mo siya masisi, dahil maaapektuhan ang kabuhayan ng kanyang pamilya sa ginawa ng nanay-nanayan niya. Pero sinabi naman ni Matet, hindi siguro si Nora iyon kundi iyong isang malapit sa kanya, na hindi rin naman tinukoy noong bata kung sino. Pagkatapos niyon, akala mo may nagkukumpas talaga para sabay-sabay na i-bash si Matet, pero masisira ba ang kredibilidad noong bata eh kung sino-sino lang naman ang mga basher na iyon. Iba siguro kung si Nora ang magsasalita mismo, pero kung iyong trolls lang, wala iyon.

Iyon naman siguro ang hinihintay ni Matet, iyong mismong ang nanay-nanayan niya ang  magsabi kung bakit nangyari ang problema.

Kaso marami pa ang pumapel, kabilang na  ang isa pang ampon ni Nora na nagsabi kay Matet na tumigil na sa kanyang negosyo at maging reseller na lang ng produkto ng nanay niya, na maski anong tingin naman ang gawin mo ay hindi tamang katuwiran.

Ewan kung paano matatapos iyang kaguluhan nilang iyan. Pero naniniwala kami na matatapos lang iyan kung mapapatigil ni Nora ang kanyang mga troll sa paninira kay Matet at kausapin niya ang anak-anakan. Sinabi man ni Matet na ayaw na siyang makausap, pero kung nariyan na siya hindi naman siya magagawang talikuran na lamang niyon.

Doon lang maaayos iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …