Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon My Teacher Toni Gonzaga Paul Soriano

Kahit semi-retired na sa paggawa ng pelikula
JOEY DREAM MAGKAROON NG MOVIE ANG BUONG EB DABARKADS

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-APAT o pangatlong Metro Manila Filmfest movie pa lang ni Joey de Leon ang My Teacher na pagsasamahan nila ni Toni Gonzaga at idinirehe ni Paul Soriano. Hindi kasi pala talaga siya gumagawa ng pelikulang pang-filmfest. Madalas ay guest lang siya sa pelikula ni Vic Sotto na madalas may entry sa MMFF.

Ani Joey, “Semi-retired na ako sa pelikula. Hindi na talaga ako gumagawa. Mas masarap sa bahay at saka byahe-byahe na lang ako. “

At dahil hindi na siya aktibo sa paggawa ng pelikula, dream nyang magkasama-sama sila ng EB Dabarkads sa isang pelikula.

Ako dream ko talaga magkaroon kami bg movie, ang ‘Eat Bulaga’ lahat ng host, cast, pati mga dati. May istorya na nga ako eh. Kaya lang madugo ‘yun, lahat kasali eh,” masayang sabi ni Joey pagkatapos ng mediacon ng My Teacher na isinagawa sa Winford Hotel, Manila.

At dahil tungkol sa mga guro at estudyante ang My Teacher natanong si Joey ukol kay Lolit Solis. Naging magkaklase pala sila noong grade 4. 

Ako ‘yung teacher’s pet pero kini-claim niya (lolit) na siya. Sabi nga niya naiinis siya sa akin kasi paborito raw ako ng teacher.”

Hindi naman niya niligawan si Manay Lolit, “Hindi, hindi, hindi pa ako noon eh (nanliligaw). Noong tumanda saka ko siya tsina-tsansingan ha ha ha,” natatawang kuwento pa ni Joey.

Sabi ko, ‘uy laki ng boobs mo a,’” natatawang sabi pa ng host/ aktor at saka sinabing magpaling ito dahil nga may sakit sa kasalukuyan ang veteran columnist at manager.

Ani Joey madalas pa rin silang magkumustahan ni Manay Lolit at alam niya kung gaano kadalas nagpapa-dialysis ito.

Nasabi na lang ni Joey kay Manay Lolit, “ Ilove you, i love you.”

Sa edad 76 maganda pa rin ang pangangatawan ni Joey gayundin ang kalusugan nito pero aminadong may mga maintenance na rin siya bagamat walang bawal na pagkain.

Puro taba nga ang kinakain ko eh. Sabi ng nanay ko, at a certain age ‘pag lumampas ka na ng 65 o 70 kahit ano pwede mo nang kainin, may mga pangontra naman sa asukal o sa taba,” sambit pa ng komedyante.

Ang My Teacher ang MMFF entry ng Ten17 at TinCan at tampok din sa pelikula sina Carmi Martin, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Pauleen Mendoza, Isaiah dela Cruz, at Kych Minimoto. Mapapanood ito simula Dec 25. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …