Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Family Matters

JC Santos naging pasaway noong kabataan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si JC Santos na may mga ilang eksena sa kanilang pelikulang Family Matters, official entry sa Metro Manila Film Festival 2022, na magsisimula na sa December 25 ang nakare-relate siya. Ito iyong napalayo sa mga magulang.

Panganay kasi ako sa magkakapatid. Ang catch lang kasi sa akin, hindi ako lumaking may pamilya, kasi OFW parents ko.

Seaman daddy ko, tapos my mom is an OFW sa America. So, 16 pa lang ako, ako na bahala,” kuwento ni JC sa isinagawang mediacon kamakailan.

Kuwento ni JC, naging pasaway din siya noong kabataan niya dahil wala siyang sinusunod na father figure, “So, naka-relate ako sa bunso part kasi bunso ako ng magkakaibigan. I grew up with friends, kapag sinabi nila na, ‘Hoy mali iyan, ah, don’t go on that path.’

“Kasi kapag parents ang nagsabi niyan, parang you hear na rebellious ka, susundin mo na lang.

“Kapag kasi kaibigan ang nagsabi sa iyo niyon, sasabihin mo, ‘Is that a challenge?’ So, lumaki ako na maraming bad decisions, maraming mistakes, I always learn the hard way.

“So, parang in a way, I liked the part of growing with friends kasi madali akong maging vulnerable. Kapag I think I can go on full-on emotional with them. So, I think ‘yun ‘yung advantage,” ani pa ni JC.

Ang Family Matters ay ukol sa pamilya ng mag-asawang Francisco, na ginampanan ng veteran actor na si Noel Trinidad, at Eleanor, na bibigyang-buhay naman ni Liza Lorena.

Gaganap namang mga kapatid ni JC sa movie sina Nonie Buencamino, Mylene Dizon, at Nikki Valdez.

Ito ay ipinrodyus ng Cineko Production, ang Family Matters ay idinirehe ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel Del Rosario.

Showing na ito sa December 25 sa lahat ng sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …