Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

CHARO SANTOS-CONCIO AND REP. GERALDINE ROMAN.:
Biglaang pagkikita, matagalang pagkakaibigan

 ISANG biglaang pagkikita ‘yon na nauwi samatagalang pagkakaibigan.

Nagkaroon ng pagkakataon si Rep. Geraldine Roman na makadaupang palad si Charo Santos matapos manalo ang huli bilang best actress sa ikalimang edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Nobyembre 27 na ginanap sa makasaysayang  Metropolitan Theater sa Maynila. 

Sa hardin ng naturang lugar, nagkausap ang dalawa at tumuon pa ito sa kung paano isusulong ang kanilang mga indibidwal na adbokasIya.

Ilan sa mga adhikain ni Rep. Roman  ay tungkol sa pagkakapantay-pantay (equality),  Oh My Gulay! Healthy Na, May Kita Pa Program, Ecotourism, Farm to Market Road Project, Basic Digital Literacy Training.

Ang equality ay malapit din sa puso ni Charo na dating pangulo ng ABS-CBN.

Ang pagiging best actress sa 5th The Eddys ay pangalawa na niya para sa pelikulang Kun Maupay Man It Panahon. Nanalo rin siya sa parehong kategorya sa FAMAS.

Naging isang natatanging panauhin si Rep. Roman 5th EDDYs, na naging presenter sa segment na binigyang parangal ang ilang icons ng industriya ng pelikulang Filipino.

Samantala, nag-premiere noong  Nobyember 30, 7:00 p.m. ang unang edisyon ng kanyang You Tube vlog, ang Geraldine Romantik.

Isa itong pagkakataon para makadaupang palad niya ang kanyang constituents at iba pang manonood bilang Bataan District 1 Representative.

Ang unang edisyon ay nakatuon sa temang “Let’s get to know Geraldine Roman.” Kilala siya bilang unang transgender na nahalal sa Kongreso na siya ngayon ang namumuno sa House Committee on Women and Gender Equality. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …