Friday , November 15 2024

Ang mabuting kalalakihan

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

ANG pagiging isa sa mga pinakarespetadong siyentista sa bansa, tulad ni Renato Solidum, Jr., ay hindi dahilan para makaligtas siya sa matinding pagsasala ng Commission on Appointments. Sa malas, iyon ang kinakailangan upang makompirma ang pagkakatalaga sa kanya bilang Kalihim ng Department of Science and Technology.

Gaya ng inaasahan, pasado siya. Pero kung mayroon mang pinakanakabibilib sa kanyang mga katangian, base sa idinaos na confirmation hearing, ay ang mahaba niyang pasensiya sa harap ng mga katawa-tawang pagtatanong sa kanya ng ating mga halal na kongresista.

Imagine n’yo ‘yung matanong kung ang mga butas bang gawa ng rocket-grade metal ay maaaring gawin sa mga bulkan upang magkaroon ito ng singawan at labasan ng magma nang maiwasan ang pagsabog nito; kung Filipino nga ba o hindi ang nag-imbento ng fluorescent lamp at ng karaoke machine; anong Korean TV series ang sinusubaybayan niya sa Netflix; at paggawa ng mga astronaut food pills para maresolba ang pagkagutom sa bansa.

Hindi ko naman sinasabi na hangin lang yata ang laman ng utak ng ating mga kongresista sa CA. Pero sila na mismo ang nagpatunay nito sa kanilang mga pinaggagagawa.

*              *              *

Congratulations din kay Atty. Angelo Jimenez, ang ika-22 presidente ng University of the Philippines. Nauunawaan ko kung gaano katindi ang pagsasala na kanyang pinagdaanan sa harap ng panel ng kanyang mga kasamahan sa akademya na naghalal sa kanya sa nasabing posisyon.

               Malala ang politikahan sa akademya, lalo marahil sa pangunahing unibersidad sa bansa. Sa katunayan, nauna na siyang prinangka ng isang paksiyon ng mga bumoto sa kanya na tututukan nilang maigi ang kanyang mga gagawin, inaming nakuha lamang niya ang kanilang suporta upang “maiwasang mahalal” si dating UP Los Baños Chancellor Fernando Sanchez, Jr., bilang presidente ng UP.

               Passionate sa maraming usapin ang mga miyembro ng faculty, mga estudyante, at mga empleyado ng UP, kabilang na ang kasunduan na nagbabawal sa hindi naipagpaalam na pagpasok ng militar sa campus; ang pagbabalik ng mandatory military training sa mga estudyante sa bisa ng panukalang National Citizens Service Training (NCST); ang komersiyalisasyon ng mga pagmamay-ari ng unibersidad, at maraming iba pa.

Hindi pa man nagsisimula sa kanyang pamumuno, kaliwa’t kanan na ang natatanggap na pambabatikos ni Jimenez kasunod ng mga pauna niyang reaksiyon sa mga isyung ito. Ang sigurado, hindi lahat sa UP community – na hindi madaling maarok ang taglay na katalinuhan ng mga kasapi – ay makokontento sa kanyang liderato dahil hindi niya matutugunan ang sari-sari nilang interes.

Kailangan ng matinding paninindigan at lakas ng loob upang makayanan ang mga ganitong responsibilidad at mamuno nang matino sa harap ng matatalinong opinyong ipupukol sa kanya. May sariling pinupuntirya si Jimenez at prayoridad niya ang isulong ang mandato ng UP sa pananaliksik, pagtuturo, at pagpapalawak ng sektor ng edukasyon. Sa pagtupad sa tradisyon, sumumpa rin siyang patuloy na ipaglalaban ang academic freedom at ang pagsasarili ng unibersidad.

Hangad ng Firing Line ang pinakamabuti para kay Atty. Jimenez upang maisakatuparan niya ang kanyang mga hinahangad para sa UP. Remain steadfast, Sir Jijil!

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …