Friday , November 15 2024
Imee Marcos Pinakbest Chef Reggie Aspiras

PinakBest! ni Sen Imee siksik sa recipe at makukulay na kuwento ng pagkain

MASARAP at healthy. Kaya hindi na ako magtataka kung paborito rin ni Sen Imee Marcos ang Dinengdeng tulad ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagkaing ito. 

Ang dinengdeng ay sikat na pagkain ng mga Ilocano na may pakakahawig sa pinakbet. Mas kakaunti lamang ang gulay nito kompara sa pinakbet at mas maraming bagoong.  

At ang Dinengdeng ni Pangulong Macoy ay walang bagoong kundi pinapalitan ito ng tulya o halaan  na siyang pampaalat.

At alam n’yo bang kung pagkain si Sen. Imee isa siyang Dinengdeng din dahil nga sobrang paborito niya ito.

Napag-usapan ang paboritong pagkain ni Sen Imee sa paglulunsad ng kanyang librong PinakBest! Sa librong ito’y matututo kayo ng iba’t ibang recipes na hindi lang basta masarap, siksik din sa maganda at makukulay na kuwento na pupuno sa ating puso. Ibabahagi ni Senator Imee ang kanyang first-ever cookbook, ang PinakBest! Recipes mula sa Marcos Kitchen and More. Isa rin itong recipe book na nagbibigay pugay sa mga favorite dish ng pamilya Marcos.

Traditonal food na mas pinasarap pa sa paglalagay ng mga paborito mong ingredients, all-time favorite comfort food na mas nagiging espesyal at mas masarap dahil nagiging parte na ng family tradition. Mga putahe na malapit sa puso at magpapaalala ng mga simple at masasayang panahon kasama ang pamilya.  

Ibabahagi ni Sen. Imee ang isang detalyado at step-by-step procedure sa pagluluto ng mga favorite dish ng kanilang pamilya. Ilan sa mga recipe ay mga Filipino favorite  tulad ng Okoy, Dinengdeng, at Ginataang Kinilaw, na mula sa mga probinsiya ng kanilang magulang, sina Pangulong Ferdinand at First Lady Imelda Marcos, ang Ilocos Norte at Leyte.

Bukod sa mga matututunang recipes, ibinahagi rin ni Sen. Imee sa PinakBest! ang mga kuwento sa bawat putahe at kung paano ito nagbigay ng happy memory na pinahahalagahan ng Marcos family. Mula sa pagluluto ni Macoy ng Okoy para sa mga kaibigan, sa pag-aabang ng first lady ng mga bagong huli na isda sa baybayin ng Leyte, hanggang sa pagkain ng mga anak ni Sen. Imee ng mga oyster habang nasa bakasyon sa France.

Mababasa rin sa libro ang isang foreword at mga additional cooking tips ni Chef Reggie Aspiras, isang matalik na kaibigan at kapwa-Ilokano ng mga Marcos. Ang PinakBest! ay hindi lang isang libro ng mga recipe  pero isang memoir na isinulat ni Sen. Imee na nagpapahalaga sa history ng kanilang pamilya, tradisyon, malapit nilang pagsasama, at siyempre ang pagmamahal nila sa masarap na pagkain.

Matuto nang higit pa sa pagluluto ng mga paborito mong putahe at alamin din ang ganda, obra at makukulay na kuwento na naibabahagi ng pagkain. Kaya grab a copy ng PinakBest! Recipes from the Marcos Kitchen and more. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …