Friday , November 15 2024
Gun Fire

Bombay binoga ng ‘rider’

MALUBHANG nasugatan ang isang Indian national sa dalawang beses na pamamaril ng hindi kilalang suspek, sakay ng isang motorsiklo sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktima na kinilalang si Kumar Sandeer, 35 anyos, residente sa Diam St., Gen T. De Leon, Valenzuela City.

Ipinag-utos ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Sa pahayag ng saksing si John Andrei Arag, 35 anyos, pedicab driver kina Navotas police investigators P/SSgt. Reysie Peñaranda at P/Cpl. Billy Godfrey Aparicio, sakay siya sa kanyang pedicab habang nasa kanyang unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu Ave., corner Dalagang Bukid St., Navotas City dakong 9:50 am.

Nakita ng saksi na biglang bumunot ng hindi matukoy na uri ng baril ang suspek at dalawang ulit na pinaputukan ang biktimang bumagsak mula sa kanyang motorsiklo.

Sa kabila ng tama ng bala, nagawang makatayo ng biktima at agad sumakay sa kanyang motorsiklo saka minaneho patungong C4 Road at isinugod ang kanyang sarili sa nasabing pagamutan habang mabilis na tumakas ang suspek patungong C3 Road. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …