Thursday , December 19 2024
BIR money

2 kawani ng BIR,  2 kasabwat arestado sa kotong

NASAKOTE sa isinagawang entrapment operation ng pulisya ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat dahil sa pangongotong ng pera sa isang business owner sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina April Claudine Dela Cruz, 30 anyos, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5 Caloocan, residente sa Garden Village, Sta. Maria, Bulacan; Joyet Alvero, 55 anyos, Admin Assistance Officer, BIR District 5 ng Burgos St., Concepcion, Malabon City; Jennifer Roldan, 49 anyos, freelance liaison officer ng Cruz St., Bambang, Taguig City; at Ariel Roble, 46 anyos, freelance bookkeeper ng Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Ang mga suspek ay naaresto ng pinagsamang mga operatiba ng Caloocan Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Allan Soriano at PNP Intelligence Group sa pangunguna nina P/Lt Felcepi Simon at P/Lt. Paul John Posadas matapos tanggapin ang P1.8 milyon marked money na kinabibilangan ng 10 pirasong tunay na P1,000 bill at mga boodle money sa isinagawang entrapment operation dakong 10:30 pm sa Gen. Concepcion St., Brgy. 132, Bagong Barrio.

Sa kanyang ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo, sinabi ni Col. Lacuesta, bago ang entrapment operation, sinabihan ng mga suspek ang may-ari ng isang Panel Board Fabrication sa Brgy. Potrero, Malabon City na mayroon siyang tax liability na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Sinabi ng mga suspek sa business owner na mababawasan lang ang kanyang tax liability kung makapagbabayad siya ng P4.5 milyon hanggang ma-settle sila sa P3 milyon.

Noong Disyembre 2, 2022, nagbayad ang business owner ng paunang P1.7 milyon cash ngunit walang inilabas na resibo ang mga suspek kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Ani Col. Lacuesta, ang dalawang tauhan ng BIR ay sinampahan ng kasong robbery extortion at paglabag sa Section 17 of R.A. 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees habang ang dalawa nilang kasabwat ay kinasuhan ng robbery extortion sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …