Friday , November 15 2024
Farmer bukid Agri

Panukalang batas para sa 2nd phase ng CARP, inihain sa Kongreso

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na layong makompleto ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), at magkaroon ng second phase na magbibigay ng subsidiya sa pagkuha at pamamahagi ng mga lupang sakahan sa mga benepisaryo nito.

Sa House Bill 223, sinabi ni Roman, habang malinaw sa Saligang Batas ang mandato sa repormang agraryo, hindi maliwanag ang aksiyon dito ng gobyerno.

“Sa tagal ng panahon, hindi nangangahulugang katapusan na ng agrarian reform program. Ang hamon ng panahon ay matiyak na maipagpatuloy ito dahil isa itong mahalagang parte ng national development at social justice program,” ani Roman.

Sa ilalim ng House Bill 223, kapag nakompleto na ng agrarian reform beneficiaries ang kabayaran sa loob ng 30 taon amortization schedule at interest charges, sila ay pagkakalooban ng gobyerno ng paunang puhunan makaraang bigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA), dadag sa credit facilities at awtomatikong kalipikasyon sa iba’t ibang serbisyo kabilang ang pabahay, edukasyon at pautang.

“Agriculture continues to be one of the weakest links in our country. A higher incidence of poverty is prevalent in the farming sector particularly among the landless farmers and the farm workers. Much has been said and done about the agrarian reform program in the Philippines. Much is still to be said. Much is still to be done,” dagdag ni Roman.

Pantay na pagkakataon ang isinusulong ni Roman para sa lahat ng Filipino. Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay ay pagtrato sa mga indibidwal nang walang hadlang, maling pananaw, kagustohan, maliban kung ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatwiran. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …