Monday , December 23 2024
PhilSys ID digital version

Pag-imprenta ng digital PhilSys ID, pinabibilisan

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sabi ni FM Jr., sa pulong kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA sa Malacañang, kahapon.

Tinalakay nila ang tungkol sa kapasidad ng pag-imprenta, at isa sa mga isyu na dinala ay ang “huling pagsisimula ng daloy ng datos at ang dami na mas mababa kaysa dapat.”

Ipinabatid sa Pangulo, na naitama na ang daloy ng datos mula sa PSA hanggang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inihayag ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, ang PSA ay patuloy na makikipagtulungan sa BSP para mapabilis at mapataas ang volume ng Phil ID production at printing.

Nauna nang isinisi ng PSA chief ang pagkaantala sa pag-iimprenta ng mga national ID card sa pagdagsa ng mga nagparehistro sa PhilSys.

Nagsimulang ipatupad ang naka-print na digital na bersiyon ng Phil ID noong Oktubre.

Ang mga rehistradong tao ay maaaring agad gumamit ng mga benepisyo ng PhilSys sa pamamagitan ng naka-print na Phil ID, tulad ng mas mabilis at tuloy-tuloy na mga transaksyon sa pag-access sa mga serbisyong pinansiyal at panlipunang proteksiyon na nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan, na napapailalim sa authentication.

Matatandaan naglaan ang gobyerno ng halos P30 bilyong budget para sa national ID system na nagsimula noong 2018. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …