RATED R
ni Rommel Gonzales
BIDA si Jake Cuenca sa My Father, Myself na entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.
Saang eksena siya nahirapan sa gay-themed movie nila ni Sean de Guzman?
“I think the hardest scene…wala namang scene that took several takes, kasi si direk Joel you have to be ready, kumbaga siya he’s only going for a few takes at siguraduhin mo matatama mo lahat ng shot niya and iyon na ‘yun.
“Hindi siya uulit para sa ‘yo, but I think the most challenging was ‘yung ipinakita nila sa trailer, ‘yung, ‘Hindi ba ako sapat sa ‘yo?’
“Kasi one take lang talaga ‘yun, pababa na ‘yung araw, pressure scene kasi ang haba niyong eksena so, tipong alam mo ‘yun?
“At saka last sequence ko ‘yun sa buong pelikula, so alam mo ‘yun, ‘pag pumalpak ako sa eksenang ‘to bibitbitin ko ‘to for the rest of my life, ‘di ba?
“At saka siyempre sasabihin ni direk Joel… I think hindi naman sa nahirapan kami but I would say that was the pressure scene, ‘yun talagang… iyon ‘yung buong shooting process inaabangan ko ‘yung eksenang ‘yun kasi alam kong mahirap.”
Ito ang kauna-unahang movie ni direk Joel Lamangan na R-18 at for adults. Marami na siyang MMFF movies before pero ito talaga ang kauna-unahang for adults only.
Bukod kina Jake at Sean, nasa pelikula rin sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Allan Paule.
Ipalalabas sa December 25 ang My Father, Myself na mula sa Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network.