Monday , December 23 2024
Enzo Pineda Albie Casiño Lharby Policarpio Royce Cabrera Aaron Concepcion

Self love ibinahagi nina Enzo, Albie, Lharby, Royce, at Aaron sa Call Me Papi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGAL na palang sinimulan ang Call Me Papi ni Alvin Yapan pero kamakailan lang natapos at sa  December 7 pa simulang mapapanood.

Na -shoot ang Call Me Papi noong nagsisimula pa lang kumalat ng Covid sa bansa kaya naantala ito dahil sa lockdown.  Kaya laking tuwa ng buong cast na ipalalabas na ito sa wakas.  

Napanood namin ang Call Me Papi sa isinagawang red carpet nito sa Megamall noong Biyernes at kahit paano ay natawa naman kami dahil sexy-comedy nga pelikulang ukol sa limang Papis na nagsama-sama sa iisang bubong.  

Naguluhan lang kami dahil tila hindi alam ng direktor o ng writer kung paano tatapusin ang pelikula. Nanghihinayang din kami sa pelikula dahil maganda ang istorya hindi lamang nailatag ng tama.

Ang Call Me Papi ay pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Albie Casiño, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, atAaron Concepcion.

Si Enzo si Sonny, isang gym instructor na lapitin ng older women na nang mabisto ang pagiging kabit, nakitira sa apartment ng kaibigang si Lito.  

Si Albie si Ben, nagtatrabaho bilang waiter sa restaurant.  Na nang iniwan ng kanyang girlfriend matapos manganak, kinailangan ang lahat ng tulong para alagaan ang kanyang baby.

Sina Lharby at Royce naman ay mga call center agent na kapwa may itinatagong lihim.  

Si Aaron si Roy, isang bartender. Hirap siya sa gastusin dahil siya ang bumubuhay sa kanyang pamilya sa probinsiya.

At habang hinaharap ng mga binata ang kanya-kanyang hamon sa buhay, sila-sila rin lang ang magtutulungan at hindi laging sagot ang inuman.

May aral na gustong ipahatid ang pelikula, hindi ang pagiging makasarili ang pag-aalaga at pagmamahal sa sarili. 

Sabi nga ni Albie., “Sometimes when you’re dealing with a problem, you think that it’s a lot bigger than it actually is.  But after you get through that problem, you realize that it’s not so big after all. Just give yourself a little more credit. You are stronger than you think you are.”   

Ipalalabas sa mga sinehan ang Call Me Papi sa December 7.  Kaya tawagan na ang inyong mga kaibigan at ‘wag itong palampasin. Handog ito ng Feast Foundation at Viva Films.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …