Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang pageant sa Sabah, Malaysia.

Bukod sa title nakuha rin ni Rey Paolo ang ang ilang special awards tulad ng Best in talent, Flower Prince of The Night noong semi finals, at Flower King noong coronation, at Peolople’s Choice Award/ Social Media Award.

Si Rey Paolo ay anak nina Dr Jen at Dr Paul Ed Ortiz ng Ortiz Group of Skin Clinic.

Dose-anyos pa lamang si Rey Paolo pero parang matured na ang pananaw nito sa buhay. Magaling din ito sumagot sa mga itinanong sa kanya sa question and answer portion kaya lalong humanga ang mga hurado sa kanya.

Matalino, magalang, guwapo, at talented si Rey Paolo. Napag-alaman naming ang pinanalunang $2,000 ay ibahagi sa mga nakalaban at ang natira ay ibinigay  sa charity.

Pangarap ni Paolo na maging sikat na singer katulad ng kanyang hinahangang rapper na si Andrew E at sikat na aktor na si Daniel Padilla. 

Sa tikas at hitsura ni Paolo ‘di malayong makamit din niya ang naabot ni Daniel. Kailangan lamang niyang magtyaga at mag-focus sa kung ano talaga ang gusto niyang maabot.

Gusto ni Paolo na parehong umarte at maging singer dahil kaya naman niyang pagsabayin ito basta focus lamang siya sa anumang gagawin.

Nasabi pa nga ni Paolo na kapag sumikat na siya, siya na mismo ang mag-eendoso ng kanilang skin clinic at hindi na nila kailangan pang kumuha ng ibang artista. 

Sinabi pa ni Paolo na naabot niya ang tagumpay sa tulong na rin nina Ayen Castillo ng Aspire Philippinessa kanyang kuya-kuyahan na si Klinton Start, atkay Rajan Paguio na nag-train sa kanya sa Q and A, talent, at pagrampa at siyempre sa kanyang very supportive parents na sina Dr Paul at Dr. Jen. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …