Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao ay may mga pagkakataong nade-depress at nalulungkot siya, lalo na kapag nakikita  ang sarili sa salamin. Palaki na kasi ng palaki ang kanyang katawan, hindi na siya sexy gaya noong hindi pa siya buntis. 

Sabi ni Jessy sa kanyang Instagram account, “As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May mga bikini picture pa ako.

“I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago ‘yung itsura ko.”

Ngunit habang lumolobo na nga ang kanyang tummy ay unti-unti rin niyang natatanggap ang mga pagbabago sa kanyang katawan at naniniwala siya na worth it ang lahat ng hirap at sakripisyo na ginagawa niya kapag isinilang na ang first baby nila ni Luis Manzano.

Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, roon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” pahayag pa ni Jessy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …