HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI maikaila ni Jake Cuenca na marami siyang kilalang taga-showbiz na “nagtatago pa sa closet.” Hindi naman kasi maikakaila na pinasukan din ni Jake ang sexy image noong araw, at natural hindi man niya aminin, tiyak na nilapitan siya ng mga nagtatago sa closet.
Mayroon nga kaming alam na isang closeta na talagang nagpilit na maging kaibigan niya noon, hindi nga lang yata nakalusot.
Nabanggit lang naman iyan dahil isang closet gay ang role ni Jake sa pelikula niyang My Father, Myself. Nakipag-kissing scene siya sa pelikulang iyan sa kapwa niya lalaki. Eh hindi ba noong araw mayroon nga silang mas mainit pang role na ginawa nila ni Joem Bascon sa isa nilang pelikula.
Pero sa totoo lang, bagama’t gumawa siya ng mga ganoong pelikula, ngayon lang totoong gay ang kanyang role. Pero sabi nga niya, matured na naman siya para tumanggap ng ganoong klaseng role,isa pa, matured na rin naman ang audience ng mga pelikulang ganyan at hindi na issue iyon.