Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan Tyrone Escalante Polo Ravales Chanel Morales

Andrew Gan, uhaw sa challenges sa showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGANDANG exposure kay Andrew Gan ang katatapos lang na patok na Kapamilya TV series na 2 Good 2 Be True na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nabanggit ni Andrew na ibang klaseng experience sa kanya ang makatrabaho ang KathNiel.

Aniya, “A iba, iba talaga ang KathNiel, dito ko napatunayan… kahit hindi naman ako nagtagal doon, dahil patapos na ito nang pumasok ako, pero iba talaga ang Kathniel. Iba ang lakas ng hatak nila at totoong tao talaga sila…

“Sabi ko nga po, iba ang naitulong sa akin ng show na ito. Kasi ang tawag ng mga tao sa akin ay Jomari, ito ‘yung name ng character ko sa KathNiel series po e. So, yes po, sana ay makatrabaho ko sila ulit,” sambit ni Andrew.

Anyway, si Andrew ay talent na ngayon ni Tyrone Escalante ng TEAM. Pumirma siya kamakailan sa talent management ni Tyrone, kasama sina Polo Ravales at Chanel Morales. Ang Tyronne Escalante Artist Management o TEAM ni Tyronne ang nagpasikat kina Kelvin Miranda at Jane De Leon na tampok sa seryeng Darna.

Nagkuwento si Andrew sa kanyang bagong talent management, “Nag-start po ako kay Sir Rams David, five years po ako sa kanya at sobrang thankful po ako, then kay Sir Leo Dominguez, na thankful din po ako.”

Ayon kay Andrew, walang problema sa kanila ni Leo at maayos silang naghiwalay. “Mutual naman po iyon, okay po kami ni Sir Leo, maayos po ang pahihiwalay namin.”

Esplika ng aktor, “I’ve been seeing Sir Tyronne a couple of times sa ABS CBN. Nakikita ko po na siya dati pa at very hands-on siya, very dedicated… kasi kami pong lahat, everybody ay gustong mag-grow every day. Isa rin iyon sa nag-aano sa akin na reason na lumipat kay sir Tyronne, Kasi ako, lagi akong uhaw, lagi akong gutom sa challenges sa showbiz.

“Ako naman po, kapag may offer at alam kong makatutulong, pinag-uusapan po namin iyon,” wika ni Andrew na next year ay inaasahang hahataw lalo sa mga project sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …