HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY bago na nga bang boyfriend si Vina Morales?
Hindi lang naman ngayon nagkaroon ng boyfriend si Vina. Marami na rin iyan. In fact ngayon ay teenager na rin ang anak niyang si Ceanna, na pinalaki niya bilang isang single parent. Matagal na rin naman siyang walang love life, kaya ano naman ang masama kung magkaroon siya ng boyfriend. Isipin naman ninyo 47 na rin siya. Makahahabol pa naman iyon para makabuo ng pamilya, just in case mag-aasawa siya.
Wala namang ano mang impediment kung maisipan pa niya iyan. Hindi pa naman nagpapakasal si Vina kanino man, at kung magpapakasal siya ngayon, tiyak iyon na alam na niya ang responsibilidad ng pag-aasawa. Hindi kasi puwede na basta in love lang eh. Kailangan alam mo ang responsibilidad ng pag-aasawa. Iyong mga in love lang, iyon ang mga naghihiwalay. Kasi basta lumipas na ang emosyon, wala na.