Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank no. 10 most wanted person (MWP) sa Pasig City matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang naarestong akusado na si Romeo Catalan, alyas Estong, 36 anyos, at residente sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Col. Peñones, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Erosito Miranda ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Bagong Silang, Caloocan City.

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Major Joseph Ulfindo at P/Capt. Melito Pabon, kasama ang NDIT RIU-NCR, RID-NCRPO, DID-NPD, at HPG-NPD ng joint intel-driven operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Catalan dakong 10:00 am sa kahabaan ng Phase 5 Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

Ani P/Col. Miranda, si Catalan ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Cheryl Laqui Ceguera ng Regional Trial Court (RTC) Branch 268 ng Pasig City sa kasong Robbery. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …