HINDI ko maiwasang hindi mapatili sa maraming tagpo ng isang Korean movie na mapapanood na ngayon sa Philippines cinemas nationwide, ito ang action-thriller movie na Decibel.
Isang pelikula ng screenwriter-director na si Hwang In-Ho, mapapanood sa pelikula ang ilan sa mga pinakasikat at award-winning actors ng Korea, at pinagbibidahan nina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk.
Tagalang makapigil-hininga ang bawat tagpo sa pelikulang ito na hindi lamang sina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk ang mapapanood, dahil narito rin sina Chan Eun-woo, Lee Min Kee, Byeong-eun Park, Jung Sang-hoon, Sang Hee Lee at marami pang iba na talagang namang panalo ang aksiyon at makabagbag-damdamin.
Isang dating deputy commander mula sa Navy na si Do-Yeong (Kim Rae-Won) na nakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang lalaki (Lee Jong-Suk) at nagbabantang pasasabugin ang isang football stadium na puno ng tao, gamit ang bomba na sumasabog kapag na-trigger ng paligid nito ang noise level at umabot ang decibel sa 100.
Gamit ang kanyang kaalaman at husay bilang isang dating parte ng Navy, pipigilan ni Do Yeong ang kakaibang pamamaraan ng pagpapasabog ng bomber at maililigtas ng daan-daang inosenteng buhay.
Pero ang lalaki sa likod ng pagpapasabog at ng mga threatening phone calls ay mananatiling misteryo at magbabanta pa ulit na magpapasabog pa ng bomba sa iba’t ibang lugar na mahirap i-control ang ingay at mas maraming inosente ang madadamay.
Mas magiging personal pa para kay Do Yeong ang sitwasyon dahil ang sarili na niyang pamilya ang mismong babantaan na magingging biktima ng terrorist attack.
Binahagi ng Korean superstars sina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk na sila mismo ang gumawa at naghanda sa kanilang role sa pelikula. Si Kim Rae-Won mismo ang gumawa ng kanyang mga action at intense scenes at hindi gumamit ng mga stunt doubles.
“Kinausap ko ‘yung direktor at napagkasunduan namin na ‘yung mga action scene pati ‘yung mga habulan ng mga sasakyan ay gagamit ng stunt double. Pero noong napag-usapan ulit namin habang nasa set, nag-decide na ako na ako na mismo ang gagawa ng mga ‘yon para mas maging maganda ang pelikula,” ani Kim Rae-Won.
“‘Yung character ko may itinatagong lungkot. Hindi siya basta kontrabida lang, para sa akin isa siyang karakter na may iba’t ibang emosyon, at may lalim ang pinaghuhugutan,” sabi naman niLee Jong-Suk ukol sa experience niya kung paano pinaghandaan ang role ng isang kontrabida at kung paano siya naka-connect sa character nito.
Sa husay ng casting, isang unique concept ng sound-triggered bomb, at masuhay na pagkakasulat ng screenplay na ang direktor na si Hwang In-Ho rin ang isa sa mga screenwriters, asahan na ang Decibel ay isa na namang magiging sikat na Korean movie na maisasama sa listahan ng mga paboritong action movies.
Walang oras ang dapat sayangin, maraming panganib ang haharapin. Gumalaw na at dahan-dahan sa pagkilos, dahil sa bawat ingay ang bomba’y maaraming sumabog. Panoorin na ang Decibel now showing sa mga sinehan. (Maricris Valdez Nicasio)