RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY importanteng rebelasyon si Hajji Alejandro tungkol sa yumaong music icon na member ng APO Hiking Society na si Danny Javier.
“Siyanga pala a little trivia, ‘yung salitang OPM was coined by Danny Javier. Okay? And that came about noong ginawa ko ‘yung album containing ‘Kay Ganda Ng Ating Musika,’ Danny, magkasama kami sa Jem, suggested, ‘Hajji ang gawin nating title ng album mo ‘Strictly OPM!’’
“Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘OPM nakalagay sa ilalim, Original Pilipino Music.’ ‘Uy, maganda yan!’ sabi nina Willy Cruz, mga bossing ng Jem noon.
“So si Danny, kay Danny nagmula at unang nakita ‘yung word na OPM, doon sa third album ko na ‘Strictly OPM’ containing the music ‘Kay Ganda Ng Ating Musika.’
“Utang natin kay Danny ‘yun,” bulalas ni Hajji.
Mapapanood si Hajji sa Mana-Mana Lang, ang concert nila ng anak niyang singer rin na si Rachel Alejandro. Gaganapin ito sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino sa Tayuman, Maynila.
Guest sa concert si Rox Puno, anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno.
Ang musical director ng concert ay ang anak din ni Hajji na si Ali ng grupong Mojofly na guest din sa concert.
Ito ay ididirehe ni Vergel Sto. Domingo, si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila naman ang producer ng Mana-Mana Lang.