Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
5th The EDDYS SPEEd

The EDDYS ng SPEEd kahanga-hanga ang pagbibigay ng award

HATAWAN
ni Ed de Leon

“THE EDDYS  did it again.” Tama at ang totoo sa ibang categories ay may napipisil kaming ibang choices, pero hindi naman namin masasabing mali ang choices nila, dahil mahuhusay namang talaga. Ang masasabi lang namin sa The EDDYS wala silang winner, o kahit nominees man lang na “willing and can afford to buy awards.”  Wala pa kaming naririnig, kahit na ano pa ang sabihin ni Wendell Alvarez, na nakabili ng The EDDYS.

Basta nagkaroon ng anomalya riyan ang laking eskandalo. Hindi lamang para sa mga miyembro kundi ganoon din para sa mga lehitimong diyaryo kung saan sila nagta-trabaho. Kaya ingat na ingat sila sa ganyan sa simula pa lang. Maaaring hindi kayo magkasundo sa choices pero walang bentahan ng award.

Mayroon namang awards na parang talipapa, para ngang fishport na “may bulungan.”  Hindi na pinag-uusapan kung may lagay o wala, ang pinag-uusapan na lang ay kung magkano, at huwag na ninyong itanong sa amin kung anong talipapa iyan. Pero riyan nagkaroon ng idea ang iba na maaari palang pagkakitaan ang awards. Kaya ngayon  kung ano-anong eskuwelahan pa, samahan ng mga vendor at talipapa na nagbibigay na rin ng awards. Kaya nga sinasabi namin eh, ang pinaniniwalaan namin iyang EDDYS, kasi nga wala pa kaming nababalitaang lagayan.

Itong taong ito, may ibang mga artistang mas gusto naming manalo sana, pero hindi namin masabing mali ang choices nila, kaya tahimik na lang. Isa pa, alam naming pinili nga ang mga nanalo batay sa kanilang pamantayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …