ni Ed de Leon
ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, pero may nagkuwento lang sa amin tungkol sa isang pipitsuging gay talent manager, na ang pinagkakakitaan pala ay ang pagpapakilala sa mga talent niyang pogi sa mayayamang bading, at siya pa mismo ang naghahatid sa mga iyon sa mga “out of town” engagement.
Kasi karamihan daw ng kanilang raket ay out of town “para discreet.”
Nang tanungin daw ang isa sa kanila, ang sagot daw niyon: ”bakit may mayayaman nga at mas malalaking manager na ganyan din naman ang sideline. Malalaki pang artista at model ang ibinubugaw.”