HATAWAN
ni Ed de Leon
BAKIT naman bina-bash si Jerome Ponce dahil lamang tinanggap niya ang isang role sa pelikula na inialok sa kanya? Artista si Jerome, natural lamang na kung may mag-aalok sa kanya ng role sa isang pelikula, at kung nakita naman niyang walang masama roon at wala siyang ikasisira, tatanggapin niya iyon. Iyon ang hanapbuhay niya eh.
Gaya rin naman ng mga basher na trolls. Bakit nga ba sila naninira ng kapwa nila tao kahit na wala sila sa katuwiran? Kasi trabaho nila at pinagkakakitaan ang pagiging trolls. Ganoon lang si Jerome, dahil artista siya tumatanggap siya ng role na inaakala niyang okey naman dahil doon siya kumikita. Kagaya rin ng mga troll, naninira sila dahil iyon ang pinagkakakitaan nila.
Kasabihan nga, kanya-kanyang raket lang iyan, huwag na kayong makialam sa iba. ‘Di huwag ninyong panoorin ang mga pelikula niya, panoorin ninyo kung sino nagbabayad sa inyo eh ‘di everybody happy pa. Malapit na ang 2023, magbago na kayo.