Friday , November 15 2024
Dimples Romana

Dimples ‘di pa kayang gumawa ng girl’s love series/movie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY alok na girls love series na pala kay Dimples Romana pero tinanggihan niya iyon. Katwiran ng aktres, hindi pa siya handa sa mga ganitong tema ng pelikula. Natanong ang aktres ukol sa ganitong klase ng pelikula dahil sa pelikulang handog nila para sa Metro Manila Film Festival 2022, ang My Father, Myself na handog ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network at idinirehe ni Joel Lamangan ay magkakagustuhan sina Jake Cuenca at Sean de Guzman.

Asawa ni Dimples si Jake sa pelikula at ampon nila si Sean. Si Sean ay anak ng dating boyfriend ni Jake si Allan Paule.

At nang natanong si Dimples kung may offer na ba sa kanya na gumawa ng girl’s love series o movie na kinakailangan ng sensitive at intimate scenes, ang sagot niya ay, “I wouldn’t lie, there was an offer and this offer came during pandemic,” pag-amin ng aktres. “But as you know, I have a husband I have to report to every single time. This is not only by a mandatory rule, not obligatory at all, but out of respect.

“So ako, as an actor, sa totoo, I’m always very curious. Kasi, ano ‘yan, parang sakit ng artist ana tumanda na sa industriyang ito, nag-i-itch ka, kaya ko ba ‘yan gawin? Magagawa ko ba ‘yan gawin? The bigger the risk, the bigger the reward.

“Noong in-offer sa akin ‘yon, ito ay isang director rin na nanay-nanayan ko, sabi ko lang po, hindi pa po yata ako handa. Kasi, hindi ko naramdaman sa puso ko na handa na ako,” paliwanag  ni Dimples.

At sa ginawang pag-arte bukod sa mga ginawang intimate scene nina Sean at Jake, sobrang humanga si Dimples. 

“Ang taas ng respeto ko kay Jake at kay Sean kasi, it takes a lot of hearts and guts to follow through that kind of scene.

“Kailangan buong-buo ang loob mo bilang artista. At that time, pinanghihinaan pa ang loob ko. Hindi ko rin alam kung dahil pandemic noon and I’m shying away from the role that I’m not used to. It was I na hindi ko alam kung kaya kong i-deliver,” sabi pa ni Dimples.

At dahil sa pelikulang My Father, Myself tila nag-iba ang pananaw ni Dimples dahil  gusto na rin niyang gumawa ng girl’s love project para ma-experience ang proseso nito pero tiniyak niyang may mga hihilingin siyang limitasyon dahil may asawa’t mga anak na siya.

Ang My Father, Myself ay  pinagbibidahan nila Jake at Sean kasama si Tiffany Grey.

Ipalalabas ito sa mga sinehan sa December 25. Kasama rin sa pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose. Prodyus ito nina Len Carillo, Win Salgaldo, Jumerlito P. Corpuz, Nicanor Abad, at Bryan Dy.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …