NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang sariling asawa nitong Linggo ng hapon, 27 Nobyembre.
Sa ulat ni P/Lt. Michael Danao kay P/Col. Earl Castillo, hepe ng Marikina police, kinilala ang naarestong suspek na si Darnel Dasal, alyas Darwin, 48 anyos, at nakatira sa Brgy. Santolan, sa nabanggit na lungsod.
Dakong 5:00 pm kamakalawa nang masukol ang suspek matapos ang ilang oras na habulan sa kahabaan ng Amang Rodriguez Ave., Brgy. Dela Paz, sa lungsod.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Freddie Balonzo ng Calabanga, Camarines Sur RTC Branch 65 sa kasong murder nang patayin ang kanyang asawa na umano’y nahuling may kalaguyo.