Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PA
ni Rommel Placente

SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at hindi lang sila basta magkaibigan.

Sa ginanap na concert nila noong Sabado sa New Port Performing Arts Theate, ay nag-i-love you sa isa’t isa ang dalawa, na ikinakilig ng audience, lalo na nga ang kanilang mga tagahanga.

Sa kalagitnaan ng kanilang concert, doon sila ngsabihan ng ‘I love you.’

Si Rayver ang unang nagsabi niyon kay Julie Anne.

Sabi ni Rayver kay Julie Anne sa stage, “Naalala mo noong birthday mo, sinabi ko naman sa iyo kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much.” 

Naging speechless pansamantala si Julie Anne nang marinig ang sinabing ‘yun ni Rayver. Pero kapagkuwan ay sinabi niya na, “Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula noong dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too.” 

Pagkarinig nang sinabing ‘yun ni Julie Anne ay bigla siyang niyakap ni Rayver. Isang pagpapatunay na talagang sila na. 

Pero hindi na kami nagulat, at kahit siguro ‘yung iba. 0bvious naman kasi na noon pa na halatang sila na, base sa kanilang mga kilos, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …