Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong suspek na  si Turin Razul, 42 anyos, residente ng Brgy. 33, Tondo, Maynila.

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., dakong 8:15 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa kahabaan ng Mc Arthur Highway malapit sa boundary ng Bulacan, Brgy. Malanday Valenzuela City.

Isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P18,000 halaga ng shabu.

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer, hudyat na nakabili na ng shabu ang suspek ay agad lumapit ang back-up operatives saka sinunggaban si Razul.

Nakumpiska sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 120 grams ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price P816,000, buy bust money na may isang tunay na P500 bill, 3 pirasong P500 at 16 pirasong P1,000 boodle money, P320 recovered money, cellphone at asul na sling bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …