Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang isa kundi tatlong pamilya ni Vhong Navarro, ngayong papasok na siya kasama ng ibang mga preso sa city jail, matapos ang isang linggo niyang quarantine.

Inamin ni Bianca Lapus na unang naging asawa ni Vhong na ang kanilang anak na si Yce, na college graduate na rin pala, ay apektado sa pagkakapasok ni Vhong sa city jail. Ganoon din daw ang anak niyang si Frederick, na anak naman ng komedyante sa isa pang naging girlfriend, at siyempre ang kanyang asawa ngayong si Tanya kung kanino may dalawa naman siyang anak.

Lahat daw sila ay nananalangin na sana naman may lumabas na resolusyon ang korte na payagan iyong makapag-piyansa na para sa Pasko ay makasama naman niya ang kanyang pamilya.

Siguro nga masasabing naging kompiyansa ang legal team noon ni Vhong dahil dinismiss ng piskalya ang kaso, at nagtagumpay pa silang ang maipakulong ay sina Deniece Cornejo at Cedric Lee. Hindi nila akalain na ganoon ang magiging pasya ng CA, kaya nakulong si Vhong. Ngayon nagkukumahog sila para mapiyansahan man lang muna siya, pero walang dudang apektado si Vhong at ang kanyang mga pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …