SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
EMOSYONAL si Jake Cuenca sa isinagawang media conference ng entry nila nina Sean de Guzman at Dimples Romana sa Metro Manila Film Festival 2022, ang My Father, Myself na handog ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante.
Nagustuhan kasi ng lahat ang arte ni Jake sa ipinakitang trailer ng pelikula dagdag pa ang papuri ng kanilang direktor na si Joel Lamangan.
“Naririnig ko lang na pinupuri ako ni direk Joel, naririnig ko lang na pinupuri n’yo ‘ko, ang laking bagay na talaga sa akin niyan,” panimula ni Jake na nangingilid na ang luhaat medyo garalgal na pagsasalita.
“Sa totoo lang hindi pa ako handa talagang magtrabaho. Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time.
“So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni direk ng ganito, malaking bagay na po sa akin iyon.
“Marami po kasing nangyari noong (lockdown) pandemic pero hindi ko na po iisa-isahin, hindi ko naman kayo iimbitahin sa aking pity party, maraming beses po (na umiyak) kasi everything came to me as a surprise, pero sabi ko nga at the end of it nandito na ako ngayon,” paglalahad pa ng aktor.
Sinabi pa ni Jake na ang Panginoon ang naging sandigan niya noong mga panahong iyon, “I made a deal with God accept life in all conditions, kumbaga anything comes on my way, I’m not gonna give up on my dreams, I never gonna stop and I’m an actor this is what I get paid to cry but for me sabi ko nga after what I’ve been through tanggap ko na ang buhay life is not perfect. I’m gonna be grateful for the good and bad times kasi ito natutunan ko to this journey talo ka naman talaga if you don’t learn. Kung hindi ka natuto that’s really what you lose.”
Ang sinasabi ni Jake ay ang paghihiwalay nila ng tatlong taon ding naging girllfriend na si Kylie Versoza noong Abril ng taong ito.
“Kung napansin n’yo naman hindi po ako nagsalita, I’ve never said anything sa nangyari, everything else, so, I kept it inside and, in this movie, allowed me to express.
“In-allow ako ng pelikulang ito na maglabas ng emosyon at hindi ako hinusgahan sa set, in-encourage ako ni direk Joel na ibigay. Of course hindi ko ikinukuwento ang mga problema ko sa set but obviously everyone knows kung ano ang pinagdadaanan ko, everyone was very, very supportive with me. ‘Yun ang saving grace ko sa buhay ko na kapag may masamang nangyari sa akin, gagamitin ko para sa out ko,”sambit pa ng aktor.
Sinabi naman ni direk Joel Lamangan na nakatulong kay Jake ang pinagdaanan nito para mas lalong maging mahusay na aktor at maibigay ang hinihingi niyang acting sa role nito.
Labis din ang pasalamat ni Jake sa ABS-CBN dahil tambak ang trabaho niya ngayon na matapos ang Viral Scandal, nasundan agad ito ng The Iron Heart.
Sa kabilang banda, pasabog ang maraming eksena ni Jake kasama si Sean lalo na iyong halikan nilang dalawa na bigay na bigay. Bagamat hindi iyon ang unang pagkakataon na nakipaghalikan sa kapwa niya lalaki sina Jake at Sean, iba ang dating niyon sa mga nakapanood na ng trailer. May positibo at may negatibo. Isa pa sa pinag-usapan ay ang pagbibigay ng R-18 rating ng MTRCB sa kanilang pelikula.
“Iba-iba ang opinyon but one thing for sure and iyon naman po ang gusto namin mag-invite ng conversation at masakit po ‘yun kung hindi pinag-usapan ang pelikula,” sambit ni Jake.
Kasama rin sa My Father, My Son sina Tiffany Grey, Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose. Mula pa rin ito sa panulat ni Quinn Carillo.
Mapapanood ito sa Disyembre 25 bilang bahagi ng MMFF 2022 #BalikSayasa 2022.