SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
FIRST time magsasama-sama sa isang show sina Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, at Ciara Sotto pero madali silang nag-jive. Pare-pareho kasi nilang nagustuhan ang tema ng kanilang show, ang tumulong sa mga tulad nilang ina gayundin ang pagtalakay sa iba’t ibang problema ng buong pamilya.
Mapapanood sina Ruffa, Mariel, at Ciara sa simula November 28 sa ALLTV, sa Mhies on a Mission (M.O.M.s),11 a.m. to 12 noon.
“It feels good to be back on television after six years. We have prepared exciting episodes for our viewers, and we hope they’ll have fun with us every morning. I’m very thrilled about this project and grateful that my new home is ALLTV,” ani Mariel sa isinagawang media conference ng kanilang show sa The Crossing Cafe sa Bacoor, Cavite.
“Despite coming from different backgrounds and experiences, the three of us anchor on common ground as women and moms. I am excited to share new stories of hope with Mariel and Ciara,” susog naman ni Ruffa.
“This is another milestone in my career since it is my first time to do a talk show and I take this as a challenge to learn new things. It is also overwhelming to work with two amazing mothers and hosts,” ani Ciara.
Kung excited sina Ruffa, Mariel at Ciara, ganoon din ang AMBS President na si Ms Maribeth Tolentino. Aniya, “We’re very excited kasi this is the first show produced by ALLTV. Buong buhay ngayon lang ito namin ginawa. You know that the Villar Group of Companies is into real estate. Now we ventured into broadcast or network industry. Inaabangan talaga namin itong M.O.M.s.”
Pasabog na agad ang unang episode ng M.O.M.S dahil ibabahagi ni Ruffa, ang ‘Mhie na may laban ang success story niya kung paano mag-isang pinalaki ang dalawang anak, sina Lorin at Venice at kung paano siya nakapagtapos sa kolehiyo. Ibinunyag din ni Mariel, ang ‘Mhie na may Diskarte’ ang masayang buhay but at pagiging hands-on-mom sa mga anak kasabay ng pagiging entrepreneur at pagiging asawa ng isang senador. Si Ciara naman, bilang ‘Mhie na may Hataw’ ay magbabahagi ng kanyang lakas bilang single parent, pagkakaroon ng disiplina sa kalusugan at pagiging fitness advocate, gayundin ang pagiging motivator at mentor sa pole-dancing.