SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI na raw type ni Ruffa Gutierrez na magkaanak pa. Ito ang ibinahagi niya sa mediacon ng kanilang show na MOMS (Mhies on a Mission) with Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.
“Before, I was thinking about freezing my eggs, mga 5 years ago and buti hindi ko ginawa. Kasi mahirap magpa-aral ng mga anak na single mom ka.”
Ani Ruffa, nagpapasalamat na lamang siya na marami pa siyang blessings at projects na natatanggap kaya nakakaya niyang pag-aralin sa magandang school sina Lorin and Venice.
“Kaya ako kumakayod actually, kasi nga, my kids are now going into college, mahal din ang college na gusto nila, kasi gusto nila sa abroad,” aniya.
“So, hindi na siguro. Siguro naman, kung sino ‘yung magmamahal sa akin, mamahalin ako nang buong-buo. Hindi na kailangan naming magkaroon ng anak para i-prove ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” sambit pa ni Ruffa.
Magsisimula na sa Nov. 28 ang MOMS, 11am-12 noon.