Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ka Tunying Anthony Taberna Zoe hands

Zoe kay Ka Tunying — When I’m holding your hand, i don’t feel alone  

NAKATUTUWANG cancer free na ang anak ni Ka Tunying. Ito ang masayang ibinalita ng broadcast-journalist sa media conference ng bago niyang show sa ALLTV, ang Kuha All.

Sinabi pa ni Ka Tunying na nakabalik na rin sa eskuwelahan ang anak nilang si Zoe na mayroon nang face to face classes.

Dalawang taon ding nakipaglaban sa cancer si Zoe kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ng mag-asawang Anthony at Rosell sa mga nagdasal sa kanilang anak. 

Ani Ka Tunying, halos kalahating taon ang ginugol nila sa Singapore para ipagamot ang anak na nagsimulang makipaglaban sa leukemia noong December, 2019.

Naibahagi ni Ka Tunying sa kanyang Instagram post ang kuwento ukol sa naging pakikipaglaban nila sa sakit ng kanilang anak na si Zoe.

Sa post na iyon ay may kalakip na picture ng kamay nilang mag-ama at inalala ang pinagdaanan ng anak.

Ani Ka Tunying, Enero 2022 nang nagtungo sila ng Singapore para roon magpagamot si Zoe. Bagamat may sakit ang anak, nakita niya kung gaano katapang iyong hinarap at pinaglabanan din ni Zoe. At naghawak sila ng kamay dahil hiniling iyon ng kanyang anak at sinabi ang, “When I’m holding your hand, i don’t feel alone.” 

Sa huli pagpapasalamat ang ibinalik ni Ka Tunying sa Panginoon.

“Salamat po muli, Ama sa biyayang dulot ng pagsamba. Happy Sunday po sa lahat ng Kapatid sa buong mundo,” mensahe ni Ka Tunying gamit ang mga hashtags na #SalamatPoAma, #MabiyayangPagsamba at #onewithEVM.(MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …